Monday, January 3, 2011

NOTICE

www.untoldstories32792.blogspot.com has moved into its new address. My address now is www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com .Please feel free to follow me and visit me there. Thank You. From Emmanuel Mateo.

Thursday, December 30, 2010

Pagpapatawad ang Susi

          Sa mga nagdaang buwan sa taong ito, marahil ay marami tayong nakaaway, mga hindi nakasundo at mga pagkakaibigang nawasak dahil sa mga hindi inaasahang unos na dumatal sa ating buhay.
          Ngayon ay pasko, araw ng kapanganakan ni Kristo. Nais niyang ipadama at iparating sa atin na ang pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan at pagpapatawad. Alam ko na kapag may nakaaway tayo, marahil ay hindi natin madaling kalimutan at patawarin ang tao sa kanyang nagawang pagkakamali lalo na kung mabigat ito. May mga taong abutin pa ang maraming taon bago maghilom ang sugat na dinala ng taong iyon. Pero sabi ng Diyos, " habang humihingi kayo ng tawad ay susuklian din kayo ng pagpapatawad". Sabi nga ni Peter sa Panginoon, " Pag meron bang nagkasala sa akin seven times, patatawarin ko pa ba?". Sabi naman ng Diyos sa kanya, " oo naman, patawarin mo seventy times seven". Pinapakita ng Diyos na dapat magpatawad tayo ng maraming beses, habaan ang pasensya pero kapag nakikita mong nagmamalabis na sa paggawa ng mali ang taong iyon at inuulit pa rin ang pagkakamali, huwag mo na lamang pansinin, ang maykapal na lang ang bahala sa kanya. Dapat rin, tayo ay huwag makontento na patawad lang ng patawad ang Diyos, dapat ay may marating din tayo sa buhay at magpatawad tayo with sincerity at taos puso. Masarap magpatawad dahil ito'y nakakagaan ng pakiramdam. Malayo sa gulo at walang tao na nagagalit sa iyo. Kaya mo na bang patawarin  ang mga taong nagkasala sa iyo at kaya mo na bang humingi ng kapatawaran sa mga nakasakitan mo ng loob?
          Ayon sa isang libro na aking nabasa, nagpapatawad tayo dahil:
1. God commands us to forgive and he empowers us to do so,
2. You forgive because you need to forgive
3. You forgive because it is kind and nice to forgive and
4. You forgive people who have wronged you is the only way to be free.
          Those who do not forgive are prisoners. You feel so bad to that person who had wronged you that the memory of that person bothers you. You lose your appetite, you lose sleep, the smile leaves your face, you feel terrible. Anger is like acid.; it destroys its container more than the one for where it is stored. Most of our sickness will go away if only we learn to forgive. If you cannot forgive, ask God to help you. No matter how much you sing, how much you praise, how much you clap, how much you donate and how much you often go to church, if you do not forgive other people, you achieve nothing.
         Bago natin lisanin ang taong ito, at bago natin salubungin ang bagong taon, nawa'y magpatawad at humingi tayo ng kapatawaran dahil ang pagpapatwad ang susi sa ating tagumpay. Huwag nating hayaan na iwanan nating ang taon na marami pa ring kaaway.

Friday, December 24, 2010

Greetings..


"Parol"

Sa mga hindi nakapanood ng "Parol" sa MMK, heto ang video starring:
Enchong Dee as Toto

(Paki close na lang ang music para mapanood niyo.this is a very heart-warming presentation from ABS-CBN,nakakaiyak at very inspiring).

Part 1



Part 2



Part 3



Part 4



Part 5



Part 6



Part 7

ANG TULA NG ISANG CALLBOY (Tula ni: REPACOL) -BOW-

NGAYOY NAGKAKILALA MAMAYA AY LILIPAS NA
SA PAMAMAALAM PABAON KO SA YOY MGA ALA-ALA.
PATAS ANG LABANAN SAYO ANG SAYA AKIN ANG PERA
HINDI KA NAMAN TALO DAHIL IKAW AY LILIGAYA

IYONG HIRAMIN ANG BUO KONG KATAWAN,

NGUNIT HINDI KASAMA ANG PUSO NA INIINGATAN.
ANG BAWAT HAPLOS SA IYO AY IPARARAMDAM,
SA BAWAT HAGOD IKAW AY MASASARAPAN.

SAMANTALAHIN MO ANG ORAS AT MAGBABAYAD KA

DAHIL KAPAG AKO AY NAGBIHIS AKO AY UUWI NA.
SIMUTIN MO ANG LAHAT HANGGANG MAKONTENTO KA,
DAHIL KAPAG TAPOS NA AY TALAGANG TAPOS NA.

KAPAG IKAY LUMABIS MAY DAGDAG NA KABAYARAN

MAGING LALAKI KA NAMAN KAHIT MAN LANG SA NAPAG-USAPAN.
KAHIT PARAUSAN HINDI AKO ISANG LARUAN!
WAG KANG LAPASTANGAN SA ATING KASUNDUAN.

ANO, MAY BABAGUHIN BA SA BERBAL NA KONTRATA?

MAGKANO ANG DAGDAG? ILANG PUTOK ANG KAYA?
OK, DEAL! ITULOY NA ANG BAWAL NA PAGNANASA
CENSORED NA ANG TULA, TALON NA SA NEXT STANZA

AT DUMATING NA ANG INAASAM NA SUKDULAN

PAALAM NA SA IYO ITO NA ANG HANGGANAN.
BAGO UMUWI, BIBILI LANG NG HAPUNAN,
BUKAS MULING RARAMPA PAMBILI NG ULAM.

Tuesday, December 21, 2010

Batang Lansangan


Nanghihinayang ako sa mga batang lansangan
Walang makain, walang matutulugan.
Sasaya pa ba sila ngayong kapaskuhan?
Lalo na ngayong umuulan-ulan.


Di ba't ang pasko ay para sa mga bata?
Dahil ang pasko, pagbibigayan ang diwa.
Para sa gayo'y ngiti ang masilayan,
Sa buhay nilang walang katiyakan.


Bukang-liwayway pa lamang ay hinihila na,
Ang karitong nagsisilbing trabaho't tahanan nila.
Pagkalkal ng basura't papel ang ikinabubuhay,
Sa ganitong trabaho'y silay sanay na sanay.


Ako'y labis na naaawa sa kanilang kalagayan.
Sana, mga musmos na ito'y ating tulungan.
Kalungkutan sana'y huwag natin hayaan,
Upang maging masaya, mundong ating ginagalawan.


Sana ngayong pasko'y maalala natin,
Kalagayan ng mga bata ang bigyang pansin.
Wala man tayong materyal na bagay na maibigay,
Panalanging makaahon na lamang ang ating ialay.
















Thursday, December 16, 2010

Paggunita sa Pagsilang


Sa mga daan-taong pasko na lumipas
Paggunita kay Jesus ay 'di kumukupas
Pag-ibig niya sa ati'y walang katumbas
Dahil pati buhay, isinuko na sadyang kay alpas


Mga batang nangangaroling sa daan,
May saya at may galak ang buong bayan
Dahil ito'y panahon ng pagbibigayan,
At pagmamahal ang ibuhos natin sa sangkatauhan


Ngayon ay pasko, araw ng kapanganakan
Ang hari at tagapagligtas ng sanlibutan
Tayo'y magdiwang at ihayag ang pasasalamat
Sa buhay na ipinagkaloob niya sa ating lahat.


Wala sa kung ano mang regalo ang diwa ng pasko,
Wala sa kung ano mang materyal na bagay ang diwa nito
Kundi ang pagmamahal ng bawat tao sa mundo
Dahil ito ang likas na kagustuhan ni Cristo


Luwalhatiin natin ang dakilang lumikha
Tayo'y umawit ng mga papuri sa kanya
Nang sa gayo'y tayo ay pagpalain niya
Sa ating buhay na ating tinatamasa.