NGAYOY NAGKAKILALA MAMAYA AY LILIPAS NA
SA PAMAMAALAM PABAON KO SA YOY MGA ALA-ALA.
PATAS ANG LABANAN SAYO ANG SAYA AKIN ANG PERA
HINDI KA NAMAN TALO DAHIL IKAW AY LILIGAYA
IYONG HIRAMIN ANG BUO KONG KATAWAN,
NGUNIT HINDI KASAMA ANG PUSO NA INIINGATAN.
ANG BAWAT HAPLOS SA IYO AY IPARARAMDAM,
SA BAWAT HAGOD IKAW AY MASASARAPAN.
SAMANTALAHIN MO ANG ORAS AT MAGBABAYAD KA
DAHIL KAPAG AKO AY NAGBIHIS AKO AY UUWI NA.
SIMUTIN MO ANG LAHAT HANGGANG MAKONTENTO KA,
DAHIL KAPAG TAPOS NA AY TALAGANG TAPOS NA.
KAPAG IKAY LUMABIS MAY DAGDAG NA KABAYARAN
MAGING LALAKI KA NAMAN KAHIT MAN LANG SA NAPAG-USAPAN.
KAHIT PARAUSAN HINDI AKO ISANG LARUAN!
WAG KANG LAPASTANGAN SA ATING KASUNDUAN.
ANO, MAY BABAGUHIN BA SA BERBAL NA KONTRATA?
MAGKANO ANG DAGDAG? ILANG PUTOK ANG KAYA?
OK, DEAL! ITULOY NA ANG BAWAL NA PAGNANASA
CENSORED NA ANG TULA, TALON NA SA NEXT STANZA
AT DUMATING NA ANG INAASAM NA SUKDULAN
PAALAM NA SA IYO ITO NA ANG HANGGANAN.
BAGO UMUWI, BIBILI LANG NG HAPUNAN,
BUKAS MULING RARAMPA PAMBILI NG ULAM.

2 comments:
aba..may ibig ipahiwatig ito.hehe
panalo ang tulang ito!
Post a Comment