Tuesday, November 16, 2010

Tapik ni Bro

Tapik Ni Bro

          Sa nakaraang mga bagyo, ang mga taga Isabela, Marikina, Metro Manila ang nakaranas ng pinakamalubhang hagupit nito na nagdala ng pagkasira ng bahay, pagkaupos ng ari-arian at pati na rin ang pagkitil sa buhay. Wala pang dalawang linggo ang dumaan, pumanhik na naman ang isa pang bagyo. Walang pinipiling lugar ang bagyo maski sa mga ibang bansa ay natatamaan din at nang-iiwan ang bagyo ng maraming pagkawasak sa mga ari-arian at buhay. Sa malas, ito'y ngitngit ng langit. Ngunit kung ating kikilatising mabuti, ito'y tapik ni Bro. Tapik sa ating mga balikat upang tayo'y palalahanan na kahit ano pa man ang mangyari dapat hindi natin kalimutan si Bro sa anumang unos ng buhay. Bakit ang mga mauunlad na lugar ay siyang sinalanta ng bagyo? Panahon na siguro upang ang mga namumuno ay magbago. Magbago sa hangarin sa buhay na hindi pera lamang ang ninanais kundi kapayapaan at kasaganahan din. Ang mga mamamayan ay tumutulong. bakit kaya nagkaganon? Walang pinuntahan ang tubig. Ibig sabihin, barado ang mga kanal dahil sa suson-susong basura. Paalala ni Bro sa mga opisyales, gawin ang tungkulin at huwag mangurakot sa kaban ng bayan lalo't para sa kapakanan ng tao at sa ikabubuti ng nakararami. Sa mga mamamayan, tumulong tayo kahit sa simpleng paraan lamang. Dapat nating ilagay ang mga basura sa dapat nilang kalagyan at huwag din magtapun kung saan-saan lang para sa gayon, hindi magbarado ang mga kanal na siyang daluyan ng tubig. Bulong din niya na dapat sa gitna ng unos, tulong-tulong at magkaisa ang lahat para sa gayon tayo rin ang makikinabang sa pag-unlad ng ating buhay pati na rin ang ikaa-angat ng ating bansang ating kinalakhan.
           kaya ang tapik ni Bro ay isang babala sa atin. Maging handa at tanggapin ang idudulot nito at sana, huwag natin balewalain dahil sa susunod, di lang tapk sa balikat ang matitikman natin kundi ngit-ngit ng Poong Maykapal at magpasalamat pa rin tayo sa kanya dahil sa kabila ng lahat na bagyo na nagdaan, heto pa rin tayo nakatayo, hindi nawawalan ng pag-asa at tayo'y nabubuhay pa.

2 comments:

Anonymous said...

The Lord is God all the time

Angel Faye said...

let us not forget that God is watching us even we cannot see him.