Tuesday, December 21, 2010

Batang Lansangan


Nanghihinayang ako sa mga batang lansangan
Walang makain, walang matutulugan.
Sasaya pa ba sila ngayong kapaskuhan?
Lalo na ngayong umuulan-ulan.


Di ba't ang pasko ay para sa mga bata?
Dahil ang pasko, pagbibigayan ang diwa.
Para sa gayo'y ngiti ang masilayan,
Sa buhay nilang walang katiyakan.


Bukang-liwayway pa lamang ay hinihila na,
Ang karitong nagsisilbing trabaho't tahanan nila.
Pagkalkal ng basura't papel ang ikinabubuhay,
Sa ganitong trabaho'y silay sanay na sanay.


Ako'y labis na naaawa sa kanilang kalagayan.
Sana, mga musmos na ito'y ating tulungan.
Kalungkutan sana'y huwag natin hayaan,
Upang maging masaya, mundong ating ginagalawan.


Sana ngayong pasko'y maalala natin,
Kalagayan ng mga bata ang bigyang pansin.
Wala man tayong materyal na bagay na maibigay,
Panalanging makaahon na lamang ang ating ialay.
















7 comments:

Robinson Unau said...

cnt understand but the pic is nice :)

uno said...

nice blog bgo ang template...

ang ganda ng message... musta k na

merri xmas sa yo... :)

emmanuelmateo said...

at likha: ok lang po.mery xmas din..

Unknown said...

very inspiring..

Anonymous said...

mrami talagang batang lansangan sa Metro manila..kakaawa sila

emmanuelmateo said...

oo mrami tlga..it made me to make this poem eh..

uno said...

emman this one po tlga ang standing among your poem!

see ito ung sinasabi ko na we are able to share wat we have in mind...

hindi importante kung marami o knti ung nakakapansin basta masaya ka sa ginagawa mo