Thursday, December 16, 2010

Paggunita sa Pagsilang


Sa mga daan-taong pasko na lumipas
Paggunita kay Jesus ay 'di kumukupas
Pag-ibig niya sa ati'y walang katumbas
Dahil pati buhay, isinuko na sadyang kay alpas


Mga batang nangangaroling sa daan,
May saya at may galak ang buong bayan
Dahil ito'y panahon ng pagbibigayan,
At pagmamahal ang ibuhos natin sa sangkatauhan


Ngayon ay pasko, araw ng kapanganakan
Ang hari at tagapagligtas ng sanlibutan
Tayo'y magdiwang at ihayag ang pasasalamat
Sa buhay na ipinagkaloob niya sa ating lahat.


Wala sa kung ano mang regalo ang diwa ng pasko,
Wala sa kung ano mang materyal na bagay ang diwa nito
Kundi ang pagmamahal ng bawat tao sa mundo
Dahil ito ang likas na kagustuhan ni Cristo


Luwalhatiin natin ang dakilang lumikha
Tayo'y umawit ng mga papuri sa kanya
Nang sa gayo'y tayo ay pagpalain niya
Sa ating buhay na ating tinatamasa.
















7 comments:

Unknown said...

Happy Birthday Jesus!!

emmanuelmateo said...

Let us give thanks to the Lord..ang diwa ng pasko ay ang pagmamahal natin sa isa't isa.

Anonymous said...

Maligayang pasko!!

Lone wolf Milch said...

Katulad ng sabi ng sermon ng pari last sunday ay dapat ipagpasalamat natin ang kapanganakan ni jesus christ ang ating saviour, Kasi ang problema sa panahon ngayon eh parang masikat pa si santa claus than jesus.

emmanuelmateo said...

Hard2getxxx: OO nga eh.hndi na pinapahalagahan ng ibang tao yung kpanganakan ni Jesus w/c should not be dahil wala si santa kung wala si Jesus diba.

uno said...

nice one

Unknown said...

para kay emmanuelmateo... nice blog post bro..God Bless :)