Sa mga nagdaang buwan sa taong ito, marahil ay marami tayong nakaaway, mga hindi nakasundo at mga pagkakaibigang nawasak dahil sa mga hindi inaasahang unos na dumatal sa ating buhay.
Ngayon ay pasko, araw ng kapanganakan ni Kristo. Nais niyang ipadama at iparating sa atin na ang pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan at pagpapatawad. Alam ko na kapag may nakaaway tayo, marahil ay hindi natin madaling kalimutan at patawarin ang tao sa kanyang nagawang pagkakamali lalo na kung mabigat ito. May mga taong abutin pa ang maraming taon bago maghilom ang sugat na dinala ng taong iyon. Pero sabi ng Diyos, " habang humihingi kayo ng tawad ay susuklian din kayo ng pagpapatawad". Sabi nga ni Peter sa Panginoon, " Pag meron bang nagkasala sa akin seven times, patatawarin ko pa ba?". Sabi naman ng Diyos sa kanya, " oo naman, patawarin mo seventy times seven". Pinapakita ng Diyos na dapat magpatawad tayo ng maraming beses, habaan ang pasensya pero kapag nakikita mong nagmamalabis na sa paggawa ng mali ang taong iyon at inuulit pa rin ang pagkakamali, huwag mo na lamang pansinin, ang maykapal na lang ang bahala sa kanya. Dapat rin, tayo ay huwag makontento na patawad lang ng patawad ang Diyos, dapat ay may marating din tayo sa buhay at magpatawad tayo with sincerity at taos puso. Masarap magpatawad dahil ito'y nakakagaan ng pakiramdam. Malayo sa gulo at walang tao na nagagalit sa iyo. Kaya mo na bang patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo at kaya mo na bang humingi ng kapatawaran sa mga nakasakitan mo ng loob?
Ayon sa isang libro na aking nabasa, nagpapatawad tayo dahil:
1. God commands us to forgive and he empowers us to do so,
2. You forgive because you need to forgive
3. You forgive because it is kind and nice to forgive and
4. You forgive people who have wronged you is the only way to be free.
Those who do not forgive are prisoners. You feel so bad to that person who had wronged you that the memory of that person bothers you. You lose your appetite, you lose sleep, the smile leaves your face, you feel terrible. Anger is like acid.; it destroys its container more than the one for where it is stored. Most of our sickness will go away if only we learn to forgive. If you cannot forgive, ask God to help you. No matter how much you sing, how much you praise, how much you clap, how much you donate and how much you often go to church, if you do not forgive other people, you achieve nothing.
Bago natin lisanin ang taong ito, at bago natin salubungin ang bagong taon, nawa'y magpatawad at humingi tayo ng kapatawaran dahil ang pagpapatwad ang susi sa ating tagumpay. Huwag nating hayaan na iwanan nating ang taon na marami pa ring kaaway.
9 comments:
yah, nakakagaan talaga ng loob ang magpatawad. slamat emman!
oo, pag nagpatawad tayo dun lang natin ma realize na nakakagaan talaga ng loob ang magpatawad at patawarin.
emman: hindi imporatante kung marami o knti ang nagcocomment sa mga blog natin...
ang imporatante po na shi-share natin kung anu ang nasa loob natin... ok
salamat at lagi mo akong binibisita...
kee[ it up! ok... God loves you! and so do I...
happy new year emman!
emman... i guess
ung html mo ang problem
restore the original html...
go to edit html...
baka kasi ng bago ka ng template design...
restore mo n lng ulit ung original...
Yes, we have to forgive so that God will also forgive us. Thanks for the post. God bless you always.
@UNO I AGREE.
@EMMAN EMO? NICE POST ON PAGPAPATAWAD
agree ako kay kuya uno. tama nga naman. write to express not to impress :)
sana nga ganun ka simple ang magpatawad. pero kung nasaktan ka ng todo, di maiiwasang mahihirapan ka talaga
Post a Comment